Ang imahe ay mula sa http://bit.ly/HCs089 |
Dismayado ang maraming nanood o nakinig sa naganap na pagharap ni Janet Napoles sa Senado. Sumumpa muna na sasabihin ang pawang katotohanan pagkatapos, nagsimula na syang magpanggap na walang alam.
Hindi po. Hindi ko po alam sa kanila. I invoke my right to self-incrimation (sa Tagalog, mahirap na pong magsalita).
Come to think of it. May Napoles sa bawat isa sa atin. Minsan sa buhay natin, lalo na noong bata pa tayo, may mga oras na ganyan din ang mga sagot natin. Halimbawa, sa mga sumusunod na tanong:
1. Sinong nakabasag ng baso? (Hindi ko po alam. Nanginginig ka pa nyan ha)
2. Sinong kumain ng tirang ulam? (Hindi po ako. Pero nangangamoy-ulam ka naman)
3. Nagkopyahan ba kayo habang wala ako? (Hindi po. Sayang di mo natapos kopyahin lahat ng sagot ng kaklase mo sa essay part)
4. Nag-away daw sina Peping at Nonoy kanina? (Hindi ko po alam sa kanila. Paki ko sa buhay nilang dalawa?)
5. Sinong kasabay nya pauwi? (Mahirap na pong magsalita. Baka lasunin ako nyan.)
At marami pang iba. Hanggang ngayon naman, may mga pagkakataong iwas-pusoy tayo sa mga sagot natin. Ang kaibahan nga lang natin kay Janet Napoles, hindi namulubi ang mga kapwa natin tuwing nagbibitaw tayo ng ganyang mga sagot. Hindi natin naibulsa ang sandamukal na buwis galing sa kaban ng bayan.
Bukas i-try naman nating maging makatotohanan. Habang may time.
Janet, kuha mo?
No comments:
Post a Comment
DISCLAIMER: The views expressed in comments published on this blog are those of the comment writers alone. They do not represent the views or opinions of the blog owner. Comments are automatically posted live; however, the owner reserves the right to take down comments at any time. *Please do not use this blog to issue death threats.*