Thursday, August 8, 2013

ANONYMOUS FILIPINO PART I: PAANO NAPUPUNTA SA BULSA NG MGA POLITIKO ANG PDAF O PORK BARREL

Dahil sa kahilingang isalin sa Filipino ang mga comment ni Anonymous, ito na. I-comment nyo lang po kung may suggestion kayo o correction sa ginawa kong translation para ma-edit ko. Part by part lang po ang pagtatranslate ko para di masyadong maging mahaba ang bawat post. Nandito ang original comments ni Anonymous.

HINDI KO PERSONAL NA PAHAYAG ANG MGA ITO KUNDI HANGO LAMANG SA ORIHINAL NA COMMENTS NI ANONYMOUS SA MGA NAUNANG BLOG.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

PART I: PAANO NAPUPUNTA SA BULSA NG MGA PULITIKO ANG PDAF O PORK BARREL

“Si Janet Lim Napoles ay malapit sa yumaong Emilia Boncodin, ang dating DBM Secretary. Si Emilia ang nagsasabi kay Janet kung may naaprubahang budget o SARO at kung kaninong senador o congressman.

“Si Gringo Honasan ay malapit na kaibigan ng asawa ni Janet na si Jimmy Napoles. Nasurpresa ako nong nabasa ko sa Internet nong ininterview si Honasan at sinabi nyang hindi nya kilala ang pamilyang Napoles.

“Nong kudeta noong panahon ni Cory, nagdadrive si Jimmy Napoles ng isang tangke papunta sa Camp Crame at tinamaan ng mortar ang tangke nya. Si Jimmy ang nagpaputok ng kalibre .50 na machine gun at ang sundalo na nagdrive ng tangke ay namatay sa pagsabog. Nakaligtas si Jimmy pero nakulong sya kasama si Honasan. Kung may makikita kayong malinaw na picture ni Jimmy Napoles sa Internet, makikita nyo na may marka ng sunog ang ilang parte ng mukha at mga braso nya.

“Nagsimulang lumago ang yaman nila noong patapos ang 1990’s, noong naging kasapakat nila ang mga mayor ng Zamboanga na ginamit nilang front para sa isang Foundation na magpapatupad ng ilang proyekto o magdedeliver ng mga gamit sa bukid. Tungkol naman sa COA, nagawa nilang palabasing tapos na ang mga proyekto kahit wala silang nagawa ni isa. Itinatag nila ang JLN group of companies noong 2000 at inilipat nila ang kanilang bagong opisina mula sa AFPOVAI sa 25th floor ng Discovery Suites.

“Hindi nagtagal, mas dumami na ang mga koneksyon ng mga Napoles sa kongreso at sa senado. Ganito ang ginagawa ng JLN group of companies at ng kanilang sub-company, ang Jo-Chris Trading (ipinangalan nila sa kanilang panganay na anak na si Jo-Christine “Neneng” Napoles) – ginagamit nila ang kanilang foundation bilang ahensyang tagapagpatupad (implementing agency) para sa mga pondo ng mga kongresman at senador. Ganito kasi: ang mga kongresman at mga senador ay may budget, yong tinatawag na PDAF o “pork barrel”, pero ang mga pulitikong ito ay hindi direktang makakahawak o makakatanggap ng perang ito at hindi nila ito pwedeng galawin. Kaya ang ginagawa ng mga pulitiko ay gagawa ng proyekto (isa sa pinakamadalas gawin ay ang pamimigay ng fertilizer sa mga magsasaka) at kanilang hihilingin sa DBM na laanan ng budget. Pagkatapos, magkakaroon ng public bidding na gagawin sa DAR. Ang resulta ng bidding ay pinal na at ang nanalo ay ang foundation ng mga Napoles. Ang pondo o ang SARO ay ibibigay sa foundation ni Janet at hihingiin naman ng mga kongresman at senador ang 70% ng kabuuang halaga. Kaya kung ang proyekto ay 10 milyon, ibibigay ni Janet ang 70% nyan. Kadalasan ang pamangkin ni Janet na si John Francisco Lim ang tagahatid ng pera, nagkikita lang sila sa Podium o sa parking lot. Ang mga pera ay nakalagay sa plastic bag o paper bag.

“Kaya kung magkano man ang natira sa pera, 30% ang napupunta kay Janet. Ipinapa-cash nila ang cheke na nakuha nila sa DBM sa Landbank sa Greenhills na kung saan ang manager doon ay nasa payroll ni Janet. Binabayaran din ni Janet ang mga inspector ng COA at kung sino man ang kasabwat nila sa DAR.

“Ganyan ang ginagawa nila. Ito ang ginagawa nila sa loob ng mahigit nang isang dekada. Ganito kung paano nagkakamal ng pera ang mga senador at kongresman. Ito ang dahilan kung bakit madaming pera ang mga senador at kongresman habang ang mga nagtatrabahong Filipino ay salat. Hindi lang si Janet ang may kasalanan dito. Ang kasakiman ng mga senador at mga kongresman ang nagpapatakbo ng sistemang ito. Nakakamangha na kung sakaling makakasuhan ang pamilya at ang kumpanya ni Janet, ang mga tao na lilitis sa kanila- ang mga huwes, senador, at ang mga kongresman, ay bahagi nito. Natatakot ako para sa buhay nina Benhur at Merlina bilang mga whistleblower. Darating ang oras, mamamatay din sila. Dapat silang maproteksyonan ng mga mamamayang Filipino. Walang magagawa ang NBI o ang witness protection program tungkol dito dahil sinisigurado din lang nila na buhay ang mga whistleblower para sa kanilang sariling pakinabang. Kapag nakapagbigay na ng pera sa NBI si Janet at kapag nanghimasok na sina Revilla, Honasan, Arroyo, Pichay, Ducut, Pineda, Lim, Estrada, Soto, Lapid, at halos lahat ng mga kongresman na nasa pwesto nitong nakalipas na sampung taon, wala nang magagawa sina Benhur at Merlina. Parang patay na din sila ngayon pa lang.

“Paki-post ito sa inyong social media at ishare ninyo ito sa buong mundo. Panahon na upang matigil na itong kalokohang ito at alisin na ang pork barrel at proteksyonan sina Benhur at Merlina.”

52 comments:

  1. Maraming salamat dito. Mas madaling maintindihan. Ang tanong, may nagbabasa naman kaya na mga common tao ng blogs?

    ReplyDelete
  2. I agree with the suggestion of one anonymous, let's start funding in preparation to this bloody revolt....ninanakawan nga tayo buwan buwan para ifund ang mga sariling interest ng mga putang inang niluklok ng mga madaling mauto na kababayan natin. We need to shell out again, this time, may kabuluhan ang objective, patayin ang mga nasa bulok na systema. Let's organize....from Luzon to Mindanao.....isipin nyo na lang, eto ang appropriate time to do this.....this is for a big change.........huwag nating iasa sa diyos sa religion ang outcome ng pinaggagagawa nila, we need to plan, fund, assemble, strategize, kill them all......

    ReplyDelete
  3. Sa mga taxpayer na may expertise kung saan tayo kukuha ng gamit especially guns and ammo, we need you. Stand out there, isa ito sa mga pinaka kailangan sa objective natin....

    ReplyDelete
  4. Let's plan, let's organize. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na to, ikalat pa to sa lahat ng taxpayer nang magalit silang lahat....

    ReplyDelete
  5. Sa lahat po ng nagbabasa o nagbasa ng blog nato, huwag po tayung manahimik, marami ang nagsakripisyo at naghirap dahil sa pangungurakot ng mga Pulitikong ituh. Ituh na po ang takdang panahon para magkaisa ang sambayang Pilipino.

    ReplyDelete
  6. Pwede itong maging mitsa kung sasakyan ng isang malaking tao o grupo. Kung tayo-tayo lang baka wala ring mangyari...

    ReplyDelete
  7. Share nyo to sa wall nyo para mas madaming makabasa. ipatarpaulin nyo din kung gusto nyo.

    ReplyDelete
  8. Maari din magbigay ng mensahe sa anak niya na nagtatago sa USA.

    Aktibo ang LinkedIn account ni Jeane Napoles (siya yung nakatira sa Ritz Carlton at nag-aral sa Fashion Institute of Design & Merchandising)

    ReplyDelete
  9. I translate sa ibat-ibang local dialects, at i print para makarating hangang sa pinakamababang antas ng lipunan. Ipaabot na rin ang issue sa kapulisan at mga sundalo, kaguruan, mga kooperatiba, NGOs pati na ang mga naghahanapbuhay sa kalsada.

    Napakaraming hindi nakaka alam ng mga nasa likod ng scam na ito. Panahon na para magising ang sambayanan na pinaglololoko ng mga buwayang yan.

    Kung gustong linisin ng mga Napoles ang pangalan nila, mas magiging bayani pa sila kung kasama silang ibubulgar at labanan ang kabulukang ito.

    ReplyDelete
  10. Eid Mubarak mga kapatid na Muslim.

    Sana malaman ninyo ang isyung ito para sama sama tayo ibunyag at labanan ang sistematikong korupsyon na matagal ng namamayani sa ating bansa.

    Sumaatin lahat ang kapayapaan.

    ReplyDelete
  11. Necro, hindi ganun kadali ang iniisip mo. Me mga intelligence people na ikakalat ang mga yan para proteksyonan ang kanilang mga interests. Hindi mawawala ang mga Judas saan mang kalipunan.

    Mas makabubuti imulat muna ang kamalayan ng nakararami ukol dito para magkaroon ng sama-samang pagkilos.

    ReplyDelete
  12. Dapat mag-organize tayo ng peaceful protest movement--maaaring starting point ng movement na yun ang pag-alis ng pork barrel. Gayahin natin ang Brazil na nitong huli lang ay nagkaroon ng malakihang protesta laban sa korupsyon. Natakot ang gobyerno doon sa laki ng mga protesta at napilitang makinig sa taong-bayan. Ngayon dahil Aquino government yan, mahilig yan sa mga massacre, (remember Mendiola massacre? Hacienda Luisita massacre?) so dapat maging handa rin tayo na maaring harapin ng karahasan ang anumang anti-corruption/anti-pork barrel movement.

    ReplyDelete
  13. buti pa isauli na nya yung perang ninakaw nya sa taong bayan- baka patawarin pa cya!

    ReplyDelete
  14. Have you read the PDI's verbatim interview? there's part 1 and part 2. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung matatawa ako o mababadtrip o sasama sa purging dahil sa galing nyang sumagot ng mga tanong

    part 1: http://newsinfo.inquirer.net/462867/janet-napoles-takes-the-floor-at-inquirer
    part 2: http://newsinfo.inquirer.net/463503/napoles-insists-her-money-came-from-inheritance-coal-trading

    ReplyDelete
  15. https://www.change.org/en-AU/petitions/the-office-of-the-ombudsman-conduct-an-impartial-investigation-of-the-grave-misuse-of-the-pdaf-3?utm_campaign=friend_inviter_chat&utm_medium=facebook&utm_source=share_petition&utm_term=permissions_dialog_false

    Please sign the petition

    ReplyDelete
  16. this really made me angry to my bones....sana umpisahan nyo na Cardinal Tagle!!!!!

    ReplyDelete
  17. Hello Janet Napoles?
    Why are you very foolish?
    Kahit dagdagan mo ang mga pulis sa tabi mo, hindi ka nila mahuhuli kasi me dagdag na "ang lagay eh..." hindi ka mapalagay? Sino ang nagsabi sa iyo na maitatago ka ng mga kurakot mong sangkatutaksss na pera? Kahit sa loob ka ng malaking isda sa pinakailalim ng dagat - mahuhuli ka pa rin! Fool yourself but you cannot fool GOD!
    Bilang na ang mga minuto mo, Janet Napoles, so ples ibalik mo na sa mamamayang Filipino ang mga very ill-gotten wealth mo!

    ReplyDelete
  18. para sa akin, automatic na yan, basta mga pulitiko, puro magnanakaw mga yan, kaya ako di bumoboto ever since, pano nga, di naman sila worth sa position nila, pare-pareho lang mga yan na tuso at mga magnanakaw.... WAG NA KAYO MAGMALINIS, DATI NG ISSUE YAN..... mga magnanakaw! magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!magnanakaw!

    ReplyDelete
  19. Nakakapanginig ng laman, inihain nila sa atin ang ibatibang klase ng tax. Nakakahiya ang mga taong ito. Salamat at hindi kasama ang congressman nmin.

    ReplyDelete
  20. Natatawa ako sa isang senador na si Recto na may plano dating taasan pa ang tax sa Pilipinas tapos nanakawin lang pala nila akalain mong idea yun ang galing noh!

    ReplyDelete
  21. Let's spread and share this article!!!

    ReplyDelete
  22. who will investigate now ..eh sila ang nadadawit?

    ReplyDelete
  23. ipinaalis nga ang PDAF, papalitan naman ng kamuka din. iibahin lang ang pangalan. ang suma total, may perang mapupunta pa din sa mga pulitiko. hindi ba pwedeng makuntento sila sa kung anong trabaho nila? hindi sila ang DPWH o DOH, bakit nagpupumilit silang humawak ng projects kung di ba naman sila sakim sa pera? tama na ang panloloko! halatang halata naman kayo! di na kayo nahiya!

    ReplyDelete

  24. As a sign of protest and until after the pork barrel is abolished, we shall not pay our taxes. Sayang ang bayad natin, ninanakaw man lang ang perang pinagpawisan natin. Let's see what will Pinoy do.

    ReplyDelete
  25. Ang daming bantay salakay sa gobyerno ng PIlipinas. Nakakahiya kayo. ANg susuwerte ng mga anak niyo at nakakapag-aral sila sa ibang bansa at gamit ang pinagnakawan ninyo.

    ReplyDelete
  26. Di na natin makikilala kung sinong dapat pagkatiwalaang tao ng Gobyerno. Mahirap kilatisin kung sinong tapat na naglilingkod sa bayan, dahil karamihan sa kanila ang linis tingnan pag nasa harap ng Camera, mabulaklak ang pananalita, akala mo ang tino-tino at walang baho. Ginagamit kasi nila ang pagiging sikat, kilala, galing sa angkan ng mga Pulitiko. Di ko na tuloy alam kung may silbi pa ang pagboto, dahil sa kung sino yung inaakala mong matuwid sa huli ay isa din palang baluktot ang tinatahak na daan. Nakakapanghinayang at nakakapagsisi lang.


    -eLr-

    ReplyDelete
  27. ang sarap tirisin ng mga taong involved dito.....habang ang karamihan sa kababayan natin ay naglulupasay sa hirap,heto sila,nagpapakalunod sa pera ng taong bayan. ang kakapal!!!!

    ReplyDelete
  28. tayo lang ang pinaglalaruan ng mga taong nasa pwesto,,,,konting project, laking kupit!!!!mamatay ana kayong lahat mga kurakot kayo!!!!

    ReplyDelete
  29. ang gulo ng mundo............

    ReplyDelete


  30. شركة الخدمات المنزلية بالمدينة المنورة شركة تيجان
    إذا كنت عميلنا العزيز بحاجة إلى خدمات النقل والتنظيف ومكافحة الحشرات بالمدينة المنورة، فإليكَ واحدة من أكبر شركات الخدمات المنزلية بالمدينة المنورة فقد تقوم شركتنا بتقديم الكثير من الخدمات والتي تحرص على أن تقدمها بأقل وأرخص الأسعار فأسعار الشركة تتناسب مع جميع عملاء المدينة المنورة والمملكة العربية السعودية بأكملها.

    شركة نقلعفش بالمدينة المنورة
    شركة تنظيف بالمدينة المنورة
    شركة مكافحة حشرات بالمدينة المنورة
    شركة مكافحة النمل الابيض بالمدينة المنورة
    شركة مكافحة حشرات بالمدينة المنورة
    شركة تنظيف خزانات بالمدينة المنورة
    شركة عزل اسطح بالمدينة المنورة
    شركة تمديد غاز مركزي بجدة
    لزيارة موقعنا
    http://tasmimm.com

    ReplyDelete

  31. ارخص شركة عزل اسطح بالدمام 0546970480 المستقبل


    الكثير يعاني من مشكلة تراكم الأمطار فوق أسطح المنازل تحديداً في فصل الشتاء، والذي يؤدي إلى العديد من المشاكل التي تحدث للأبنية الداخلية والأبنية الخرسانية للمنازل وقد تتسرب المياه وتتغلل داخل سطح المنزل مما يؤدي إلى حدوث بعض المشاكل وتسرب المياه إلى داخل المنزل بشكل ظاهر والذي يسبب الإزعاج لصاحب المنزل.

    ارخص شركة عزل اسطح بالدمام

    كما يتسبب أيضاً تسرب المياه الى بعض التشققات في الأسطح وتفسد الدهانات الموجودة بالسقف ويجعل شكلها سىء جداً، وخلال فصل الصيف وأشعة الشمس القوية تتسبب في إزعاج سكان المنزل مما تجعل حرارة المنزل مرتفع جداً ويتسبب في الإحساس بالاختناق والتعرق، فلتخلص من كل هذه المشاكل لابد من عملية عزل للأسطح .

    تعتبر عملية عزل الأسطح مهمة للغاية ومن أهم الشركات المخصصة في هذا المجال المستقبل
    شركة عزل فوم بالدمام
    التي تقدم الخدمة لكافة أنواع الأسطح، وتهتم
    شركة عزل اسطح بالدمام
    بأعمال العزل الحرارية والمائية للأسطح، وتعتمد الشركة على مجموعة من العاملين الذين يتمتعون بخيرة وكفاءة عالية للتعامل مع الأنواع المتعددة للعزل الحراري و العزل المائي لاننا
    شركة عزل حرارى بالدمام
    و
    شركة عزل مائى بالدمام
    شركة عوازل الدمام
    شركات العزل المائي بالدمام
    شركات العزل الحراري بالدمام


    اسعار عزل الفوم
    اسعار الواح الفوم العازل

    ReplyDelete
  32. The result of the bidding was finalized and the winner was the foundation of Napoles. The fund or SARO will be donated to Janet's foundation and congressmen and senators will demand 70% of the total amount. Anonymous

    ReplyDelete

DISCLAIMER: The views expressed in comments published on this blog are those of the comment writers alone. They do not represent the views or opinions of the blog owner. Comments are automatically posted live; however, the owner reserves the right to take down comments at any time. *Please do not use this blog to issue death threats.*