"The world suffers a lot. Not because of the violence of bad people, But because of the silence of good people!" - Napoleon

Powered By Blogger
Showing posts with label Anonymous Filipino Part II: Bakit Hindi sa Media. Show all posts
Showing posts with label Anonymous Filipino Part II: Bakit Hindi sa Media. Show all posts

Friday, August 9, 2013

ANONYMOUS FILIPINO PART II: BAKIT HINDI SA MEDIA NAGSALITA SI ANONYMOUS

HINDI KO PERSONAL NA PAHAYAG ANG MGA ITO KUNDI HANGO LAMANG SA ORIHINAL NA COMMENTS NI ANONYMOUS SA MGA NAUNANG BLOG.


= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =  

  



“Hindi. Hindi ako kailanman makikipag-usap sa media. Bulok ang local media. Pwede nating tanungin si Noli de Castro tungkol dyan. At sigurado ako ang isasagot nya ay, “Ngayon ko lang narinig ang pangalang Janet Napoles, hindi ko sya kilala…” Oo nga naman, bakit nya aaminin na kilala nya si Janet pagkatapos nyang kumita ng daang milyong piso sa pamamagitan ng kanyang kumpanya? Tanungin din natin si Noli kung sinong nakatira sa kanyang villa sa Tagaytay Highlands. Ay, nakalimutan ko, sa tingin ko isa sa mga kabit nya.

“Ganun pa man, inililipat na ng mga Napoles nitong mga nakaraang linggo ang kanilang pera kaya karamihan ng pera ay wala na dito sa bansa. Tanungin nyo pa ang babaeng manager ng Metrobank Binondo, na kamaganak ng kapatid na lalaki ni Janet Napoles na si Ronald “Bullet” Francisco Lim. Isa si “Bullet” sa mga incorporator ng di mabilang na foundation ni Janet. Tanungin din ng mga tao ang manager ng Landbank Greenhills. May pwesto dati sa DOTC si Maglaque at kumita ng limpak limpak na salapi ang mga Napoles sa pamamagitan ng napakaraming transaction sa DOTC sa tulong ng mga kongresman at mga senador sa pagitan ng 2002-2011. Si Zenaida Ducut, ang dating kongreswoman ng isa sa mga probinsya ng Pampanga, ay tumiba dahil sa kumpanya ni Janet. Meron din silang pakikipag-ugnayan sa mga Ampatuan sa South at oo, nakinabang din sila sa kumpanya ni Janet. Ginamit din ng mga dating PNP chief noong panahon ng administrasyong Arroyo ang mga kumpanya ni Janet para mag-supply ng mga radio na tag-lilimang libo (P5,000.00) pero ginawang P65,000.00 sa resibong ibinigay sa COA.

“Pag-isipan muna natin. Kung ang mga bagay na ito ay irereport ng media, sa tingin nyo ba may magagawa ang kasalukuyang administrasyon? Wala. Kahit gustuhin man ni Noynoy na maparusahan si Janet bilang presidente ng ating bansa, limitado lang ang kanyang magagawa dahil ang konstitusyon ay nagbabawal sa kanya na aksyonan ang mga ganitong krimen. Sapagkat hindi ito kasali sa kanyang trabaho. Nakakalungkot na inaakusahan ang presidente na walang ginagawa tungkol dito. Tama, wala syang magawa sapagkat pinagbabawalan sya ng batas. Gusto nyo bang may mangyari sa isyung ito? Kung magdedeklara ng Batas Militar si Noynoy at magkakaroon sya ng lubos na kapangyarihan sa mga bagay na ito, oo, kaya nyang ipabitay ang lahat ng mga senador at mga kongresman. Pero magdedeklara nga ba ng Batas Militar si Noynoy? Hindi. Hindi dahil sa ayaw ng mga tao, kundi ayaw ni Noynoy na maibalik ang mga panahon na naging dahilan ng kamatayan ng kanyang ama.

“Ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa ay sagad na. Maliban na lang kung may gagawin ang mga tao tungkol dito, mananatili tayo kung saan tayo iniwan ni Marcos – korapsyon sa lahat ng dako at paglaganap ng kahirapan.

SUSUNOD: ANG MEDIA AT ANG MGA NAPOLES